CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Friday, June 20, 2008

Ang dahilan kung bakit na-late ako dumating dito sa bahay

Alam mo ba na naiwan kami ng isang kaservice ko na tatawagin kong Kel. Naglakad-lakad kasi kami kasama ni Jessie (codename lang po) nung umuwi na si Jessie, nagtanong si KEl kung nasaan yung isa pa naming kaservice. Yun pala umuwi na. NAIWAN KAMI NG SERVICE NAMIN. Grabe pasalamat ako na may kasama akong naiwan. Hindi ako natakot kasi naman nandoon si Kel Samantalang Takot na takot sya kasi iniisip nya na baka di na kami makauwi.

In the end, sinudo din kami ng service, kaming 2 lang ang nakasakay. Nagalit yung driver ng service namin sa conductor dahil yung conductor pala ang nagsabi na may sumundo na sa amin pero okay lang kasi nakauwi pa kami.

Gumugulo sa kin' isip

Bakit ganun, nasabi ko na dati na di ko na crush si Gira bakit ngayon gustong-gusto ko syang makita? Ang gulo ng isip at puso ko.

Kanina akala ko groupmates kami kaya tuwang-tuwa ako yun pala hindi tapos may club ako sa school na gusto salihan dahil sasali sya. What's wrong with me? Bakit guto kong magkasama kami? Crush ko pa ba sya?

Wednesday, June 18, 2008

Buhay Eskwelahan

Ano ba naman yan, ang daming quiz! Bakit ganun? Halos kaka-start pa lang ng classes ah. Hirap maging High School.


Wow, lahat ng friends ko may love life ako wala. hehehe. Wala kasing gwapo sa school eh tsaka mayroon ba kayang magkakagusto sa kin? hehehe. Tsaka bata pa ako, di pa ako pwede magkaroon ng love life. hehehe.


Alam ko na kung kumilos ako eh wala ako kapoise-poise. Para lang ako nasa bahay. Siguro yung mga taong ngayun ko lang nakilala, ang tingin nila sa akin ay weird. Pero madami na rin transferee na naging friends ko. Ibig sabihin friendly ako. hehehe.


Miss ko na yung mga close friends ko na nagtransfer ng ibang school. Namimiss ko yung ingay nila. hehehe.

Friday, June 13, 2008

eskwelahan

Hay naku mahirap pala maging high school student. Kailangan pa lang maging alert at maging sensitive sa nangyayari sa paligid mo. Daming Assignments. Tsaka pag di ka nakatapos ng seatwork e walang wala kang choice kundi i-check ang mga numero na may sagot lamang. Di ka hihintayin ng titser para tapusin mo seatwork mo.

Grabe, hirap pero nakakachallenge ng utak. Maganda rin yun ah. Atleast natututo na ko mag sipag sa pag-aaral.

Sa tingin nyo, gusto ko kasi sumama sa journalism kaso may part ako na ayaw ko. Paano na yan? Sasali ba ako o hinde? Kasi paran sabi ng isang part ko sa kin na wag na lang daw ako sumali. Sabi naman ng isa sa kin na sumali daw ako. Ano ba talaga?

Tag-ulan at tag-araw

Grabeh! Ano ba talaga? Summer pa ba o rainy season na? Pano ba naman kasi Ang init-init na lang araw-araw tapos maya-maya uulan mamaya. Ano ba talaga ha?

Saturday, June 7, 2008

hello

hi! ako po si Ghaille (code name lang po).....pls always view my blog. This is the 2nd time to blog pero wala man lang ako nasulat dun.....he he.

Baka gumamit ako ng mga code name sa mga taong ilalagay ko dito kaya sa mga taong nakakakilala sa kin, kilala nyo na kayo tsaka wag kayo magagalit sa kin.